Translate

Sunday, March 16, 2008

ang buhay at ang puno


Kung minsan ang buhay ng taoy tulad ng isang puno, na kung mamasdang mabuti sa bawat hampas ng hangin ay tila mabubuwal o kaya namay may ilang nabuwal na nga, sa pagsuko nilang lumaban sa unos ng buhay ngunit marami ding nagtagumpay na makitang muli ang bukang liwayway matapos ang unos na dumaan, lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon, at sa bawat hamon ng buhay ay matatag na sinusuong ang bawat pagsubok, maaaring kagaya din ang iba na nadala na ng malakas na hangin at ngayoy nangabuwal na sa lupa nawalan na ng pag asa o sumuko na, hindi lahat ay tumatanda o umaabot sa rurok ng itaas upang tingalain, ganun din ang mabuhay hindi lahat ay natututo sa mga pagkakamali upang maabot ang mga hinahangad, dumarating din ang minsan na kapag naitulak ka ng hangin ay tila wala ng pagasa pa, ang iba namay natututong sumunod sa agos ng buhay sa lakas ng unos upang hindi mabali ang mga sanga o kayay mabuwal ng tuluyan, kung minsan kasiy hindi rin katapangan ang lumaban lang at magmatigas sa agos ng buhay o sa tulak ng hangin, kung minsan din ay nangangailangan din na sumunod tayo at tanggapin ang hamon ng buhay kahit na tayoy yumukod paminsan minsan pagkat dun tayo natututo at dun tayo nagiging matibay...tulad din ng mga puno,kagaya ng isang buhay.