Translate

Monday, October 14, 2013

Isang Kahapon




Mahirap palang iwasan ang isang tagpo
sa buhay at ang alaalang naiwan mo
Mahirap malaman na ikaw pa rin
ang pagibig,laman nitong damdamin

Di ko yata kayang iwanan ang isang kahapon
kasama tanging iniingatang pagkakataon
Ng makasama ang pinapangarap ko
pagibig na kala koy di maglalaho

Sa buhay lahat yata ay nagbabago
ang oras man ay laging tumatakbo
Gayun din pala ang yugto sa atin
akalay lagi, puso moy magiging akin

Mahirap limutin ang iyong mga ngiti
tamis na dulot iningatang sandali
Sayo lamang natutong magmahal itong puso
sayo rin natutong tanggaping magkakalayo

Iningatang mga alaalay sayo lang nais magbalik
sa isang pagkakataong ikay nakasama
at tanging dalangin sa Maykapal na di na matapos pa
pagmamahalang bigla na lamang ay nawaglit

ahh!ngunit, paalam na sa isang kahapon
paalam sa isang tunay na pagmamahal
muling maghihintay sa isang pagkakataong
lumisan ang lungkot na dulot ng isang ikaw

Pagbabalik bayan... (isang tula para kay chacha)


Parang kaylan lang ng ang mga ngiti koy di ko namalayan
habang pauwi ng bansa upang ikay muli ay masilayan
kay tagal na din kasi ng huli kitang makita ng ikay isilang
at naaalala ko pa ang mga ngiti mo noong una kang mahawakan

di na yata ako makapigil sa pagdaan ng oras
sa himpapawid nais kong sa lupa ay sana makaapak
siyam na oras ay kay tagal at parang walang katapusan
bawat tingin sa relos ay tila di mapakali sa aking upuan

naubus ko na yata ang panoorin sa aking harapan
ngunit wala sa sarili ang diwa koy nasa ibang katinuan
naglalaro ang isip sa mga ngiti mo noong huling araw ko
sa pilipinas bago magdesisyong mangibang bansa sa malayo

malaki ka na siguro at maaaring may tinig ng munti
nakakalakad ka na marahil o kaya'y may mga ngiti
sana sa pagsapit ko, ako'y muling makilala at madama
kahit sa musmus na diwa malaman mo ako ang iyong ama

at biglang naudlot ang lahat ng pagiisip ko
nakarating ng payapa ang sinasakyang eroplano
tumalilis bigla sa isang pagkakaupo
nakisiksik sa pintuang dalanging sa N.A.I.A ay makalayo

ahh wala na yata akong pakialam sa presyo ng taxi doon
di na namili at nakisuyo sa terminal ng bus pa buendia
hinahabol ko kasi na maabutan kong gising ka pa
ngayong alas kwatro na dito sa lungsod ng manila

apat na oras pa anak ang paghihintay
apat na oras sa bintana ng bus ay nagaabang
na makarating sa probinsiya kung saan ikay naririyan
at ang pagnanais kong ikay mahawakan at mahagkan

ahh at ang kaba ng dibdib ko sa pagbaba sa sinasakyan
sa mistulang lugar na alam ko ang bawat daraanan
sa lugar na bawat panaginip ko ay inaasam
na magbalik muli at ngayoy akin nang nasisilayan

at ang luha koy umagos ng di sinasadya
sa bintanang tanaw sa malayong alam kong naririyan ka...
kaysarap palang  mabuhay ng may isang pagasa
sa lihim na tagumpay na muling makita ka.

...at ang lahat ng pagmamahal sa yo'y inilaan
                      sa bawat araw na alam kong may isang yugtong
... muli sayo ay mamaalam