Translate

Thursday, March 6, 2008

sa bukirin






Sampung taon na ang nakakaraan ngunit naririnig ko pa rin ang awit ng mga ibon noon, ng kiskis ng mga dahon ng kawayan sa bukid, ang mapaglarong kaway ng palay tuwing anihan at ang masasayang mukha ng mga magsasaka, hindi pansin ang init ng maghapon kundi ang bawat kumpay ng bigkis ng palay.Nakakatuwang isipin malayo na pala ang nakakaran ng muling mapadpad ako sa lugar na yon, ang lugar ng aking kabataan, ng kinalakihan.Ngunit hindi na tulad ng dati, malaki na ang nagbago sa lugar na yon, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya tila naglaho na rin ang mga dati rating kapanahunan ng simpleng buhay, kaybilis uminog ng mundo at tila ang dating simple ay napalitan na ng mga malalaking paghahangad sa buhay, ang dati rating taniman ngayoy tiwangwang na lupa at hindi na naaasikaso pa, karamihay iniwanan na ng mga mayari ng lupain ang kanilang sakahin upang mangibang bayan, karamihay lumipat bansa na upang doon na manirahan kapalit ng isang masaganang pamumuhay ngunit salat sa kasiyahang dulot ng sariling bayan. Wala na ang dating saya doon, at tulad koy napalitan na rin ang sayang dulot noon ng isang panghihinayang sa lugar na naging malaking parte ng aking pagkatao, ang mga ngiti nilay maaaring alaala na lang mula ngayon, kung naging ok lang sana ang naging landas ng ating bansa ay maaaring hanggang ngayon ay narito pa rin ang ating mga kababayan at sa sariling bayan naninirahan. Nalulungkot lang ako sa mga batang hindi nakaranas ng mga awitin ng ibon sa kaparangan, ng isang maghapon sa luntiang palayan kasabay ng paglipad ng mga saranggola sa himpapawid o kaya namay ang maranasan ang tuwa habang binabagtas ang pilapil patungo sa batis sa gilid ng kabundukan, maaaring iba na ang buhay na kanilang kinalakhan ngayon at wala na rin ang tradisyon ng pagiging isang lahing kayumanggi. Gayunpaman, hinahangad ko rin ang mga bagay na sa akiy wala at napunan ng pangingibang bayan, subalit naisip ko ngayon...minsan lang ang buhay na ibinigay ng maykapal, at natutuwa na akong manatili upang muling dugtungan ang isang alaala ng isang maghapon sa bukirin at hindi na muli pang mawalay.

No comments:

Post a Comment