Kung minsan ang buhay ng taoy tulad ng isang puno, na kung mamasdang mabuti sa bawat hampas ng hangin ay tila mabubuwal o kaya namay may ilang nabuwal na nga, sa pagsuko nilang lumaban sa unos ng buhay ngunit marami ding nagtagumpay na makitang muli ang bukang liwayway matapos ang unos na dumaan, lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon, at sa bawat hamon ng buhay ay matatag na sinusuong ang bawat pagsubok, maaaring kagaya din ang iba na nadala na ng malakas na hangin at ngayoy nangabuwal na sa lupa nawalan na ng pag asa o sumuko na, hindi lahat ay tumatanda o umaabot sa rurok ng itaas upang tingalain, ganun din ang mabuhay hindi lahat ay natututo sa mga pagkakamali upang maabot ang mga hinahangad, dumarating din ang minsan na kapag naitulak ka ng hangin ay tila wala ng pagasa pa, ang iba namay natututong sumunod sa agos ng buhay sa lakas ng unos upang hindi mabali ang mga sanga o kayay mabuwal ng tuluyan, kung minsan kasiy hindi rin katapangan ang lumaban lang at magmatigas sa agos ng buhay o sa tulak ng hangin, kung minsan din ay nangangailangan din na sumunod tayo at tanggapin ang hamon ng buhay kahit na tayoy yumukod paminsan minsan pagkat dun tayo natututo at dun tayo nagiging matibay...tulad din ng mga puno,kagaya ng isang buhay.
Translate
Sunday, March 16, 2008
Thursday, March 6, 2008
Pagbabalik
..nakita ko ang isang kababata makalipas ang labindalawang taon sa aking pagkakatanda, at sa aming pagkikita ay di maawat ang kwento nya sa nangyari sa buhay nya matapos ang mahabang taon ng pagkakalipat nila sa ibang bansa habang tagay ang lambanog na puro, nagbalik sila upang dumalaw sa isang kamaganak at upang magbakasyon na rin, hindi lingid na malaki na ang pinagbago nya ngunit andon pa rin ang di maalis na pagkakakilala ko sa kanya ang di maitagong tatak taga-silangan, nakakatuwa lang isipin na kahit ngiwi na sa alak na puro ay andon pa ring ibinabandera niya ang tatag pinoy sa inuman, ni wala na ngang pulutang nakahapag ngunit antibay pa rin sa tagay, nabanggit niya ang balak niyang pagbabalik sa pinas matapos lang daw ang kurso niya sa medisina sa toronto at tutal ay may bahay pa naman silang naiwan doon na pansamantalang tinutuluyan ngayon ng mga kamag-anak na nangangalaga doon,..noon pa man ay naikuwento na rin sa akin ng ama niyang nagbakasyon noon ang tungkol sa bagay na yon ngunit hindi ko muna pinaniwalaan, lingid sa kanya'y nais kung ibalita sana ang sitwasyon ng pinas at ang mga lumuluwas na propesyonal sa ibang bansa, ngunit naunahan ako ng sagot niya na nakapagdesisiyon na siya sa pagbabalik at napag usapan na ng pamilya niya ang bagay tungkol doon...hindi ko alam kung ano ang dahilan niya ngunit humahanga ako sa isang tulad niya kung mangyari man, matapos ang ilang buwan ding pamamalagi ay lumipad muli ang mag anak dala dala ang mga ilang kakaning pinoy, may maruya,sinukmani,sapin-sapin,tamalis at kung anu anu pa at siyempre ang lambanog na may babad langka...--naisip ko lang ngayon... na kayraming mga kababayan natin ngayon ang nangangarap mangibang bayan at karamihan na ngay lumuwas na upang doon na manirahan at magtrabaho kapalit ng isang pag asa ng magandang buhay, ngunit ang tulad naman niya'y naghahangad na muling magbalik dito sa isang dakilang layunin, ahhh baka naman kaya namiss lang niya ang paginum ng lambanog na tila salat sa toronto...wari ko lang
sa bukirin
Sampung taon na ang nakakaraan ngunit naririnig ko pa rin ang awit ng mga ibon noon, ng kiskis ng mga dahon ng kawayan sa bukid, ang mapaglarong kaway ng palay tuwing anihan at ang masasayang mukha ng mga magsasaka, hindi pansin ang init ng maghapon kundi ang bawat kumpay ng bigkis ng palay.Nakakatuwang isipin malayo na pala ang nakakaran ng muling mapadpad ako sa lugar na yon, ang lugar ng aking kabataan, ng kinalakihan.Ngunit hindi na tulad ng dati, malaki na ang nagbago sa lugar na yon, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya tila naglaho na rin ang mga dati rating kapanahunan ng simpleng buhay, kaybilis uminog ng mundo at tila ang dating simple ay napalitan na ng mga malalaking paghahangad sa buhay, ang dati rating taniman ngayoy tiwangwang na lupa at hindi na naaasikaso pa, karamihay iniwanan na ng mga mayari ng lupain ang kanilang sakahin upang mangibang bayan, karamihay lumipat bansa na upang doon na manirahan kapalit ng isang masaganang pamumuhay ngunit salat sa kasiyahang dulot ng sariling bayan. Wala na ang dating saya doon, at tulad koy napalitan na rin ang sayang dulot noon ng isang panghihinayang sa lugar na naging malaking parte ng aking pagkatao, ang mga ngiti nilay maaaring alaala na lang mula ngayon, kung naging ok lang sana ang naging landas ng ating bansa ay maaaring hanggang ngayon ay narito pa rin ang ating mga kababayan at sa sariling bayan naninirahan. Nalulungkot lang ako sa mga batang hindi nakaranas ng mga awitin ng ibon sa kaparangan, ng isang maghapon sa luntiang palayan kasabay ng paglipad ng mga saranggola sa himpapawid o kaya namay ang maranasan ang tuwa habang binabagtas ang pilapil patungo sa batis sa gilid ng kabundukan, maaaring iba na ang buhay na kanilang kinalakhan ngayon at wala na rin ang tradisyon ng pagiging isang lahing kayumanggi. Gayunpaman, hinahangad ko rin ang mga bagay na sa akiy wala at napunan ng pangingibang bayan, subalit naisip ko ngayon...minsan lang ang buhay na ibinigay ng maykapal, at natutuwa na akong manatili upang muling dugtungan ang isang alaala ng isang maghapon sa bukirin at hindi na muli pang mawalay.
Wednesday, March 5, 2008
ang buhay
...kung titingnan natin ang buhay, noon at ngayon, masasabi nating andami ng pinagbago na di natin nalaman na nangyari na o may mga bagay sa ating buhay na di naman natin talaga sukat akalaing darating at magiging bahagi nito o kaya namay isang tagumpay na atin biglang nakamit habang normal nating tinatahak ang daan ngunit hindi natin inaasahan, hindi bat minsay nakakaisip din na mapagbiro talaga ang buhay, hindi mo man naisin biglang bigla na darating, kapag hinahangad naman ay anu bat ang hirap hirap abutin,...hindi kaya posible na tunay na tinadhana ng manyari ang isang hinaharap bago pa natin ito marating o kaya namay talagang itoy isang guhit ng mangyari sa atin at ang tanging kailangan lang nating gawin ay tanggapin ito mapamabuti man ang dumating o kayay isang pasakit...tutal maaaring sa susunod na yugto ay kakaiba naman ang nakalaan, sapagkat walang permanente sa mundo... hindi lahat ay nagtatagal,ang isang tagulan ay titila din at susunod ang isang tagaraw sapagkat itoy naka ukit ng mangyari...nakakalungkot isipin kung ganun talaga ang buhay, kung talagang may nakalaan ng mangyari sa atin ngunit hindi naman natin gusto, matatanggap mo kaya o ipagkakaila na itoy nangyaring bigla...ayoko sanang sumunod sa agos ng buhay...
Subscribe to:
Posts (Atom)