Translate
Thursday, March 6, 2008
Pagbabalik
..nakita ko ang isang kababata makalipas ang labindalawang taon sa aking pagkakatanda, at sa aming pagkikita ay di maawat ang kwento nya sa nangyari sa buhay nya matapos ang mahabang taon ng pagkakalipat nila sa ibang bansa habang tagay ang lambanog na puro, nagbalik sila upang dumalaw sa isang kamaganak at upang magbakasyon na rin, hindi lingid na malaki na ang pinagbago nya ngunit andon pa rin ang di maalis na pagkakakilala ko sa kanya ang di maitagong tatak taga-silangan, nakakatuwa lang isipin na kahit ngiwi na sa alak na puro ay andon pa ring ibinabandera niya ang tatag pinoy sa inuman, ni wala na ngang pulutang nakahapag ngunit antibay pa rin sa tagay, nabanggit niya ang balak niyang pagbabalik sa pinas matapos lang daw ang kurso niya sa medisina sa toronto at tutal ay may bahay pa naman silang naiwan doon na pansamantalang tinutuluyan ngayon ng mga kamag-anak na nangangalaga doon,..noon pa man ay naikuwento na rin sa akin ng ama niyang nagbakasyon noon ang tungkol sa bagay na yon ngunit hindi ko muna pinaniwalaan, lingid sa kanya'y nais kung ibalita sana ang sitwasyon ng pinas at ang mga lumuluwas na propesyonal sa ibang bansa, ngunit naunahan ako ng sagot niya na nakapagdesisiyon na siya sa pagbabalik at napag usapan na ng pamilya niya ang bagay tungkol doon...hindi ko alam kung ano ang dahilan niya ngunit humahanga ako sa isang tulad niya kung mangyari man, matapos ang ilang buwan ding pamamalagi ay lumipad muli ang mag anak dala dala ang mga ilang kakaning pinoy, may maruya,sinukmani,sapin-sapin,tamalis at kung anu anu pa at siyempre ang lambanog na may babad langka...--naisip ko lang ngayon... na kayraming mga kababayan natin ngayon ang nangangarap mangibang bayan at karamihan na ngay lumuwas na upang doon na manirahan at magtrabaho kapalit ng isang pag asa ng magandang buhay, ngunit ang tulad naman niya'y naghahangad na muling magbalik dito sa isang dakilang layunin, ahhh baka naman kaya namiss lang niya ang paginum ng lambanog na tila salat sa toronto...wari ko lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment