Translate

Monday, October 14, 2013

Isang Kahapon




Mahirap palang iwasan ang isang tagpo
sa buhay at ang alaalang naiwan mo
Mahirap malaman na ikaw pa rin
ang pagibig,laman nitong damdamin

Di ko yata kayang iwanan ang isang kahapon
kasama tanging iniingatang pagkakataon
Ng makasama ang pinapangarap ko
pagibig na kala koy di maglalaho

Sa buhay lahat yata ay nagbabago
ang oras man ay laging tumatakbo
Gayun din pala ang yugto sa atin
akalay lagi, puso moy magiging akin

Mahirap limutin ang iyong mga ngiti
tamis na dulot iningatang sandali
Sayo lamang natutong magmahal itong puso
sayo rin natutong tanggaping magkakalayo

Iningatang mga alaalay sayo lang nais magbalik
sa isang pagkakataong ikay nakasama
at tanging dalangin sa Maykapal na di na matapos pa
pagmamahalang bigla na lamang ay nawaglit

ahh!ngunit, paalam na sa isang kahapon
paalam sa isang tunay na pagmamahal
muling maghihintay sa isang pagkakataong
lumisan ang lungkot na dulot ng isang ikaw

Pagbabalik bayan... (isang tula para kay chacha)


Parang kaylan lang ng ang mga ngiti koy di ko namalayan
habang pauwi ng bansa upang ikay muli ay masilayan
kay tagal na din kasi ng huli kitang makita ng ikay isilang
at naaalala ko pa ang mga ngiti mo noong una kang mahawakan

di na yata ako makapigil sa pagdaan ng oras
sa himpapawid nais kong sa lupa ay sana makaapak
siyam na oras ay kay tagal at parang walang katapusan
bawat tingin sa relos ay tila di mapakali sa aking upuan

naubus ko na yata ang panoorin sa aking harapan
ngunit wala sa sarili ang diwa koy nasa ibang katinuan
naglalaro ang isip sa mga ngiti mo noong huling araw ko
sa pilipinas bago magdesisyong mangibang bansa sa malayo

malaki ka na siguro at maaaring may tinig ng munti
nakakalakad ka na marahil o kaya'y may mga ngiti
sana sa pagsapit ko, ako'y muling makilala at madama
kahit sa musmus na diwa malaman mo ako ang iyong ama

at biglang naudlot ang lahat ng pagiisip ko
nakarating ng payapa ang sinasakyang eroplano
tumalilis bigla sa isang pagkakaupo
nakisiksik sa pintuang dalanging sa N.A.I.A ay makalayo

ahh wala na yata akong pakialam sa presyo ng taxi doon
di na namili at nakisuyo sa terminal ng bus pa buendia
hinahabol ko kasi na maabutan kong gising ka pa
ngayong alas kwatro na dito sa lungsod ng manila

apat na oras pa anak ang paghihintay
apat na oras sa bintana ng bus ay nagaabang
na makarating sa probinsiya kung saan ikay naririyan
at ang pagnanais kong ikay mahawakan at mahagkan

ahh at ang kaba ng dibdib ko sa pagbaba sa sinasakyan
sa mistulang lugar na alam ko ang bawat daraanan
sa lugar na bawat panaginip ko ay inaasam
na magbalik muli at ngayoy akin nang nasisilayan

at ang luha koy umagos ng di sinasadya
sa bintanang tanaw sa malayong alam kong naririyan ka...
kaysarap palang  mabuhay ng may isang pagasa
sa lihim na tagumpay na muling makita ka.

...at ang lahat ng pagmamahal sa yo'y inilaan
                      sa bawat araw na alam kong may isang yugtong
... muli sayo ay mamaalam


Monday, April 4, 2011

To my wife,from Australia with love.



My soul is wandering as the sun slowly set
My thoughts are miles away from where I stand
Looking to emptiness
Wishing you’re here with me beside

I don’t have the strength to go on,it seems
destiny laid a path I can’t resist from taking
My heart never see this coming;
and I carry the loneliness inside

I’m dying to see your smile again
To hear you love me and hold me tight
It’s in this journey that I realized
In you I found my reason... my life

Ahh... the skylight slowly fades away
Darkness lurks the moments of our memories
But will always linger in me as I lay
Here in my room,
…loving you a miles away

Thursday, May 13, 2010

Hiling na Paglaya










Sa taas ng punung mangga

ay aking natatanaw

mula sa pagkakaupo

sa sangang kanyang kamay.



Mga batang musmos doon

sa may di kalayuan lang,

sa kaparangang lunti

sa gilid ng palayanan



Ang isa’y pigil nilululos

ang pisi sa munting kamay

at habang tangan ng isa

ang guryon sa may duluhan



na pilit kumakawala

sa hanging dumaraan lang,

waring nagsasabi manding

ibigay ang inaasam



Kalayaan na makamtan

paglipad sa kaitaasan

upang dooy mamalagi

sa indayog ng kalawakan.



At sa di kalaunan pa ngay

sumipol ang isang bugso na dapyo,

upang dinggin isang pagnasa’

sa alapaap dalhin ang pagsamo



Ahh!at ang guryon nga’y biglang nakawala

sa munting kamay habang tanaw sa ibaba

ngunit pansamantala lang na paglaya

sa pising hila, taling sikil ang pagasa.



Hanggang sa lumakas ang hangin

sa kaniyang paglipad-lipad,

at tila ibinigay kanyang dalangin

makawala sa pisi’y hangad.



Sa pagmasid mula sa taas ng mangga…



nais kung isipin sa huli’y nakamtan na ng guryon

ang kaniyang tunay hangad na paglaya...



Kasabay ng hanging amihan sa palubog na araw.

Wednesday, May 5, 2010

Upos na buhay


Hindi ko nakita ang kapayapaan sa paglubog ng araw ngayon
Na dati’y nalalasap ko sa tuwing minamasdan ang paglubog nito
Hindi ko pansin ang ganda ng kulay ng langit at tila kimi sa pagkakaupo
Wala ang kasagutan sa mga tanong ko ng hapong ‘yon
Wala ang saya na dati’y dulot nang hampas ng mga alon
Wala ang sarili,dinala ng isang alaala ng kahapon..

Naglulunoy sa usok ang isipan sa bawat buga ng munting karamay
Naglalaro ang nakaraan ngunit nabubuhay ang sarili sa pasanin nang hinaharap
Napapawi ang pangungulila ngunit ang kinikimkim ay nadarama
Nawawala na rin ng bahagya, sa bawat alapaap ng usok na kanyang dala
Sa isang kaha ng kamatayan, sa panandaliang aliw ng laro sa baga

hindi tulad nang minamahal na nawawala sa pagdaan ng oras
sa sinding upos ay kagyat siya’y naririyan
di nanunumbat, nanunudyo, tahimik na siyay naglalaan
ng oras sa tuwing nanaisin, sa sindi ng apoy siya’y kaagapay
tila ba nakatitig lang at nakikiramay

ngunit alam ko sa sarili kong siya’y kathang isip lamang
na laging hinahanap.. inimbento ng mundo ko.. kahit na
malungkot mang sabihing pinili ko
at sa kamatayan ay maaaring biglang patunghan
ahh…pikit bugang nilalasap sa oras na ninais ko
sa oras na ako’y nangangailangan…

upos ng buhay ko’y tila alam niya kung hangang saan ang kahahantungan..

Sunday, May 2, 2010

Munting Pagdamay ng Pipit









Sa aking paglipad sa malayang himpapawirin

panatag ang loob na lubos aking mararating

ang matayog na bundok at luntiang kakahuyan

karatig ng nayon,ilog at ibabang kaparangan


Sa tuwing ikakampay ko ang aking pakpak

sa bagwis mang munti’y aking nalalasap

kalayaang loob sa aking bawat paglipad

tila mararating din ang tayog ng alapaap


Sa ibaba koy tanaw ang gintong bukirin

na ngayoy kumakaway sa ihip ng hangin

minsay nakayukod na sa lakas ng pagihip

at sa bigat na dulot ng kumpol aning bitbit


At sa dako doon ay ang sigla ng sikat haring araw

sa bukirin ay nakamatyag sa buong maghapon

upang sa pagdating ng tagulan sa bukiri’y siyang bantay

bahagharing magbabanta sa magsasakang pagod


...ahh at ang huni ko'y sa inyo makikiramay

bawat awit koy katumbas ang inyong paghahangad

na ‘di huminto yaring pagihip ng amihan

kasabay ng sipol ninyo,hiling itaboy ang pag ulan

Wednesday, April 28, 2010

Huling Paglayo










Kung sakaling bukas akoy lumayo
At bakas ng alaala ko’y di mo na makita
Tutuparin ko ang isang pangako
Na muling maging maligaya ka

Dadaanin ko na lang sa isang sulat
Ang huli kong paglayo
Ito lang ang alam kong paraan
Upang di mabatid ang nadarama mo ngayon

Habang may lakas pa akong natitira
Upang sayo ay lumisan
Wag mong isiping hindi kita mahal
alam mong ito lang ang tanging paraan

At kung mabasa mo na ang lahat
Ginawa ko ang sa atiy nararapat
Kapalit ng paglaya ng ating kahapon
Ng isang dating pagmamahalan

Habang kaya ko pang lumayo sayo
habang natitiis ko pa ang nararamdaman

Hindi marahil ito ang tinadhana
ngayong mayron ng sayo’y nagmamahal

..paalam

Tuesday, January 12, 2010

Si Lolo Igme


Tanaw sa bintana ang isang liwanag ng gabi

at ang simoy ng hanging lamig ay nadarama

tila may kumukurot sa puso

at tila muli'y naaalala ka



limang taon na din ang sa atiy lumipas

ng ang huling paskong pinagsamaha'y alaala pa

ang ngiti mong sa akiy kaakit akit

at ang dasal nating habang buhay magkakasama



mas mahirap palang mabuhay ng nagiisa

sa tahanang naiwan mo sa bawat sulok ay alaala

sa bawat paglingon ay hinahangad ka

at sa halimuyak ng paligid na tila iyong dala



ganito pala ang mabuhay ng wala ka na

sa mga anak na malayo at ikaw noon ang kasama

nalulungkot ka din kaya sa t'wing nais mo akong hawakan

sa hanging lamig na lang doon ko ngayon nadarama



Hindi ito ang akala kong kahihinatnan

ng pumanaw ka sa araw ng pasko aking mahal...



at ngayon ngay muli kong hinihiling sa Maykapal

sanay makasama ka na sa liwanag ng kapaskuhan

Tuesday, December 22, 2009

Sanay may minsan pa



Tulad ng isang dumaraang payapa na hapon ng buhay

sa lilim ng papalubog na araw sa dakong silangan

at huni ng dumarapong mga ibon mula sa malayong paglalakbay

ang sarili koy nagmumuni sa mga araw na dumaan



Mga pagkakamaliy hindi lingid sa sarili tungo sa isang paglalakbay

sa daang pinili ko mula noon at sa simula ng aking paghakbang

sa damuhang paligid,sa batuhang landas at sa patag na kaparangan

pagkakamaliy dala dala sa landas ng aking buhay


Maaaring hindi ko na maibabalik pa ang dating maling tinahak

Sa mga mahal sa buhay ay naging pasakit at kanilang dinamdam

sa mga kaibigang lubos ay nagtakwil,sa huliy sila pa ang tapat

Sarili koy muling bumabalik humihingi ng inyong tawad



…ahh at akoy muling magbabalik sa simula na tayoy nagkakilala

sa bangka ng buhay nyo nais kong muli sa inyoy makisabay

hindi man mapawi ang hapdi dala ng minsang pagkakasala

hayaan nyong samahan ko kayo sa inyong paglalakbay





Ahh sanay…may minsan pa…

Saturday, July 25, 2009

naalala ka

...malamig ang simoy ng hangin sa may paanan ng bundok ng hapong yon...

...tila tumigil din ng bahagya ang pagihip nito kasabay ng unti unting pagbagsak ng mga dahon...

...bumubulong ang hangin sa mga puno ng pino at huni ng mga ibong gala'y tila dumaramay sa katahimikan...

...kaybango ng halimuyak ng ilang ilang sa dako roon ngunit di pansin sa pagkakaupo...

...mga bulaklak na alay ay nangatuyo na sa pagdaan ng mga araw na akoy wala...

...hapon na naman at naaalala ka,ngayoy tinititigan ka ng buong pagsumamo...

...muling bumabalik upang makausap ka at makaramay...

...mapag alayan ng mga kwento, hinanakit sa mga nagdaang araw...

...sa pagkapikit ay muling bumabalik ang mga alaala mo kasabay ng muling pagpatak ng mga luha...

...bumulong ka sa akin tulad ng hanging nagdaraan,

...alam kong batid mo ang lahat sa akin at ang pangungulila...

...nasaan ka man alam kong masaya ka at muling maghihintay...

...dala koy ang ibig mo inay, mga rosas mula sa dati'y iyong hardin,

...paalam na inay, muli akong magbabalik upang dalawin ka at pag alayan sa iyong himlayan...

...salamat sa iyong pakikinig sa aking hinagpis at pagdamay...

Tuesday, July 14, 2009

Libis ng Nayon

Sa libis ng nayon ako nagmula

Sa gilid ng punung kawayanan

Sa may daang pilapil

Sa may dulo ng palayanan

Doon mandiy nakatirik

Munting aming tahanan

Tanaw sa bintanay matayog na bundok

Sa ibaba’y gintong taniman

Saklob ng asul na langit

Sa taas ng yaring kagandahan

Ibong Malaya at huniy

Pumapailanlang sa haring araw

Sa may ilaya naman sa dakong burol

Ang landas ng isang salaming ilog

Sa kulay ng langit, mandiy kaylugod

Sa katahimikan niyang masid

wag mo sanang itutulot

Pumalaot sa gitna ay lalim

Niyang waring pinakapusod

Habang bagtas naman

Ang daang hatid ng paragos

Sa bawat paligid nitoy mga puno ng niyog

Sa lilim ng kalinga niyat kaway

Hatid ay hanging lamig-lubos

sa mga magsasakang maghapong pagod



at sa pagsapit ng isang pagkulimlim

sa papalubog na araw

mistulang iginuhit ng pintor ang langit sa kariktan

mababanaag ang gawa ng isang Maykapal

kasabay ng salimsin, bango ng libis ng nayon



at muling iindap ang bunsol sa magdamag

sa dilim ng gabing hatid ng kanayunan

sa musikang aliw ng kiskis ng kawayanan

at huni ng gabing ibon…

diwa koy mahihimbing sa katahimikan

Thursday, July 9, 2009

May luha ang isang tagumpay


Naalala kita ngayon habang pigil ang mga luha

Habang tangan sa kamay ang diploma ng tagumpay

Ikaw ang nais na makapiling, hiling sa Maykapal

Ngayong nagbunga na ang matagal mo ng paghihintay



Ngunit tila kimi ang hakbang ng bawat paa ko

Papalayo sa entablado ng mga hurado

At binging di alintana ang bawat palakpakan

at mga bating hatid ng mga nangatuwang magulang



Malayang nangilid ang luha ng alaala mo

Para saiyo ang araw ng aking pagtatapos

Sayo nais ialay mga papuring nilalaan

Ikaw ang siyang inspirasyon ng aking nakamtan



Ngunit di ito ang nais ko kapalit ng isang tagumpay

Ni di ipagpapalit ang buhay mo sa isang rolyong papel

Ito ba ang kapalit ng pagsisikap mo mahal na inay

ang igupo ka ng katawang pagod sa kabilang buhay



Ahh!



Sa tapat ng iyong puntod ay aking inaalay

Isang munting papel ng ating mga pagsusumikap

Ito ang nais mo noon pa aking mahal na inay



…. kung kapiling ka sana, ikaw ang tunay kung tagumpay

Sunday, July 5, 2009

Anihan sa nayon


Yukod sa init ng tagaraw,habang tangan

ang gapas na muli ay siyang nasilayan

Sa pagkakatago noong isang anihan

pigil sikil at pag-unday sa punung palay



Yakap higpit sa pagpasan

Mga kumpol ng timbong ginto

Sa putik ng kalupaan

Naipon at naghihintay



Umihip ang isang amihan

Habang sunod sa tila kaway

Mga kiskis ng dahon na tuyot

aliw sa magsasakang pagod



Nakatirik ang tuyong anahaw

sa gitnang pusod ng palayanan

Upang doon ay maisalansan

gintong dulot ng isang tagaraw



Butil-butil sa hampas ng lakas

ang batong di natinag sa tatag

Upang aning asam ay makalap

Sa banig na buli’y nakalatag



Giniik ng mga paang hubad

sa timbong palay ay mabukod

Dayaming hugot na pinisan

ngayo’y sang-tumbok na salansan



Umihip ka pa sana hanging lakas

Sa bilaong likom ang aning butil

Sa paglipad ng ipa’t dahong palay

Dasal ang saganang ani ng tagumpay

Monday, June 29, 2009

Paghihintay ni Ina kay Ama


…kumakampay ang sanga ng ipil
sa pagdaan ng hanging lamig
sa pagbuhos ng gabing ulan
iindap indap ang ilaw ng bunsol
madilim ang gabing panglaw
sa anino mong hiling na naroon
kaluskos ng daho’t sanga
munting takot din ng loob
bumakas ang paglakas ng ulan
badya ng unos sa magdamag
titig sa bawat paligid
anino ng bawat larawan
kaluskos at tila pagkatok
sa dingding ay tila kabang bigla
pigil bawat paghinga
kung may magdaraang kakaiba
ungol ng kung ano-ano
dilim ng kaparangan ay wala
aninong bumabagtas
papalapit naway ikaw na
at kung hindi man
pinid ng pinto at silid
sa tarangkahan ay ipit sikil
kandado ng takot at pangamba
…ahh panglaw ng gabiy sanay lumipas na
sa pagdating mo’y dasal
naway ligtas ka
at ang bawat agam agam
sa aking puso ay mawala..

Sunday, March 16, 2008

ang buhay at ang puno


Kung minsan ang buhay ng taoy tulad ng isang puno, na kung mamasdang mabuti sa bawat hampas ng hangin ay tila mabubuwal o kaya namay may ilang nabuwal na nga, sa pagsuko nilang lumaban sa unos ng buhay ngunit marami ding nagtagumpay na makitang muli ang bukang liwayway matapos ang unos na dumaan, lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon, at sa bawat hamon ng buhay ay matatag na sinusuong ang bawat pagsubok, maaaring kagaya din ang iba na nadala na ng malakas na hangin at ngayoy nangabuwal na sa lupa nawalan na ng pag asa o sumuko na, hindi lahat ay tumatanda o umaabot sa rurok ng itaas upang tingalain, ganun din ang mabuhay hindi lahat ay natututo sa mga pagkakamali upang maabot ang mga hinahangad, dumarating din ang minsan na kapag naitulak ka ng hangin ay tila wala ng pagasa pa, ang iba namay natututong sumunod sa agos ng buhay sa lakas ng unos upang hindi mabali ang mga sanga o kayay mabuwal ng tuluyan, kung minsan kasiy hindi rin katapangan ang lumaban lang at magmatigas sa agos ng buhay o sa tulak ng hangin, kung minsan din ay nangangailangan din na sumunod tayo at tanggapin ang hamon ng buhay kahit na tayoy yumukod paminsan minsan pagkat dun tayo natututo at dun tayo nagiging matibay...tulad din ng mga puno,kagaya ng isang buhay.

Thursday, March 6, 2008

Pagbabalik

..nakita ko ang isang kababata makalipas ang labindalawang taon sa aking pagkakatanda, at sa aming pagkikita ay di maawat ang kwento nya sa nangyari sa buhay nya matapos ang mahabang taon ng pagkakalipat nila sa ibang bansa habang tagay ang lambanog na puro, nagbalik sila upang dumalaw sa isang kamaganak at upang magbakasyon na rin, hindi lingid na malaki na ang pinagbago nya ngunit andon pa rin ang di maalis na pagkakakilala ko sa kanya ang di maitagong tatak taga-silangan, nakakatuwa lang isipin na kahit ngiwi na sa alak na puro ay andon pa ring ibinabandera niya ang tatag pinoy sa inuman, ni wala na ngang pulutang nakahapag ngunit antibay pa rin sa tagay, nabanggit niya ang balak niyang pagbabalik sa pinas matapos lang daw ang kurso niya sa medisina sa toronto at tutal ay may bahay pa naman silang naiwan doon na pansamantalang tinutuluyan ngayon ng mga kamag-anak na nangangalaga doon,..noon pa man ay naikuwento na rin sa akin ng ama niyang nagbakasyon noon ang tungkol sa bagay na yon ngunit hindi ko muna pinaniwalaan, lingid sa kanya'y nais kung ibalita sana ang sitwasyon ng pinas at ang mga lumuluwas na propesyonal sa ibang bansa, ngunit naunahan ako ng sagot niya na nakapagdesisiyon na siya sa pagbabalik at napag usapan na ng pamilya niya ang bagay tungkol doon...hindi ko alam kung ano ang dahilan niya ngunit humahanga ako sa isang tulad niya kung mangyari man, matapos ang ilang buwan ding pamamalagi ay lumipad muli ang mag anak dala dala ang mga ilang kakaning pinoy, may maruya,sinukmani,sapin-sapin,tamalis at kung anu anu pa at siyempre ang lambanog na may babad langka...--naisip ko lang ngayon... na kayraming mga kababayan natin ngayon ang nangangarap mangibang bayan at karamihan na ngay lumuwas na upang doon na manirahan at magtrabaho kapalit ng isang pag asa ng magandang buhay, ngunit ang tulad naman niya'y naghahangad na muling magbalik dito sa isang dakilang layunin, ahhh baka naman kaya namiss lang niya ang paginum ng lambanog na tila salat sa toronto...wari ko lang

sa bukirin






Sampung taon na ang nakakaraan ngunit naririnig ko pa rin ang awit ng mga ibon noon, ng kiskis ng mga dahon ng kawayan sa bukid, ang mapaglarong kaway ng palay tuwing anihan at ang masasayang mukha ng mga magsasaka, hindi pansin ang init ng maghapon kundi ang bawat kumpay ng bigkis ng palay.Nakakatuwang isipin malayo na pala ang nakakaran ng muling mapadpad ako sa lugar na yon, ang lugar ng aking kabataan, ng kinalakihan.Ngunit hindi na tulad ng dati, malaki na ang nagbago sa lugar na yon, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya tila naglaho na rin ang mga dati rating kapanahunan ng simpleng buhay, kaybilis uminog ng mundo at tila ang dating simple ay napalitan na ng mga malalaking paghahangad sa buhay, ang dati rating taniman ngayoy tiwangwang na lupa at hindi na naaasikaso pa, karamihay iniwanan na ng mga mayari ng lupain ang kanilang sakahin upang mangibang bayan, karamihay lumipat bansa na upang doon na manirahan kapalit ng isang masaganang pamumuhay ngunit salat sa kasiyahang dulot ng sariling bayan. Wala na ang dating saya doon, at tulad koy napalitan na rin ang sayang dulot noon ng isang panghihinayang sa lugar na naging malaking parte ng aking pagkatao, ang mga ngiti nilay maaaring alaala na lang mula ngayon, kung naging ok lang sana ang naging landas ng ating bansa ay maaaring hanggang ngayon ay narito pa rin ang ating mga kababayan at sa sariling bayan naninirahan. Nalulungkot lang ako sa mga batang hindi nakaranas ng mga awitin ng ibon sa kaparangan, ng isang maghapon sa luntiang palayan kasabay ng paglipad ng mga saranggola sa himpapawid o kaya namay ang maranasan ang tuwa habang binabagtas ang pilapil patungo sa batis sa gilid ng kabundukan, maaaring iba na ang buhay na kanilang kinalakhan ngayon at wala na rin ang tradisyon ng pagiging isang lahing kayumanggi. Gayunpaman, hinahangad ko rin ang mga bagay na sa akiy wala at napunan ng pangingibang bayan, subalit naisip ko ngayon...minsan lang ang buhay na ibinigay ng maykapal, at natutuwa na akong manatili upang muling dugtungan ang isang alaala ng isang maghapon sa bukirin at hindi na muli pang mawalay.

Wednesday, March 5, 2008

ang buhay

...kung titingnan natin ang buhay, noon at ngayon, masasabi nating andami ng pinagbago na di natin nalaman na nangyari na o may mga bagay sa ating buhay na di naman natin talaga sukat akalaing darating at magiging bahagi nito o kaya namay isang tagumpay na atin biglang nakamit habang normal nating tinatahak ang daan ngunit hindi natin inaasahan, hindi bat minsay nakakaisip din na mapagbiro talaga ang buhay, hindi mo man naisin biglang bigla na darating, kapag hinahangad naman ay anu bat ang hirap hirap abutin,...hindi kaya posible na tunay na tinadhana ng manyari ang isang hinaharap bago pa natin ito marating o kaya namay talagang itoy isang guhit ng mangyari sa atin at ang tanging kailangan lang nating gawin ay tanggapin ito mapamabuti man ang dumating o kayay isang pasakit...tutal maaaring sa susunod na yugto ay kakaiba naman ang nakalaan, sapagkat walang permanente sa mundo... hindi lahat ay nagtatagal,ang isang tagulan ay titila din at susunod ang isang tagaraw sapagkat itoy naka ukit ng mangyari...nakakalungkot isipin kung ganun talaga ang buhay, kung talagang may nakalaan ng mangyari sa atin ngunit hindi naman natin gusto, matatanggap mo kaya o ipagkakaila na itoy nangyaring bigla...ayoko sanang sumunod sa agos ng buhay...

Tuesday, February 26, 2008

Rainy Days

Ahh... the rippling sounds of the pouring rain, seems like yesterday when i was a kid playing along as it rain, running around the backyard and farm side with old friends, those were the days when i can still skip my parents advice not to play when it rains, ahh the cool,breezy moment, the soft, tiny, drops as it falls, and the beautiful rainbow after the rain...how i wish i am forever young...

Wednesday, February 13, 2008

Beyond and Under


Beyond the blue horizon lies a vast deep abyss of the sea, seems like you are falling as you stare and realise how wonderful it is, i cant help but wonder how perfectly God created the beauty on it, somehow i wish i am flying and soar to its highest cloud, gliding with the wind and the friendly birds with me, nahh i'm day dreaming again but somehow got this shot when i was in Batangas, it was not good enough and how i wish i am a professional photographer master in landscaping, natures beauty,scenic photography etc...lol, i envy those people who could take a shot as they like them to appear on their pictures,considering the shades, the contrast, brightness and many more...only i knew is to take a shot to a subject that is appealing with me rather than making it more than beautiful...someday i'll try it guys to make it more livelier and beautiful but i think it would cost me time and effort in studying every details in photography.. aight?, but then hope its not that bad after all, i really focus my cam in the blue horizon and then not considering the effect of the striking glow and the shades...there it is ...a car travelling along the plantation with the blue horizon above it...anyway i will try next time to capture it more than beautiful...